Ako ngayon ay masaya
Meron akong nakuhang pera
Saan kaya ito maganda gamitin
Ano ang aking bibilhin?
Ang dami kong gusto
Isip ko tuloy ay litung-lito
Ang dami kong kailangan
Alin ang una kong pahahalagahan?
Ang paggastos ay aking isasaayos
Upang ang pera ko di agad maubos
Ang pagbili dapat nakaplano
Ililista ko ang bawat presyo
Yaman ay ingatan
Isaalang alang ang kinabukasan
Maging masinop at huwag mag aksaya
Upang buhay ay maging maginhawa.