Sa mundong malaya

Tayo ay nagkakilala

Dahilan ng pagbisita

Tulad din ng sa iba.

Kwento ng buhay

Bahagya sa ‘yo sinalaysay

Tila meron misteryong taglay

Nais makaharap ka ng tunay.

Sa unang pagkikita

Sa dibdib ay may kaba

Umaapaw na paghanga

Nadarama tapat na pagsinta.

Pag ibig na walang kapantay

Pangako habangbuhay

Pagmamahal tanging alay

Sa ‘yo lamang ibibigay.

Ngayon ako singkwenta na

At ikaw naman ay sisenta

Hawak kamay tayong dalawa

Magpasalamat sa matibay na pagsasama.