Tiwala sa sarili
Ang magbibigay lakas
Harapin ang pagsubok
At ang darating na bukas
Di tiyak ang tagumpay
Pero patuloy umaasa
Dasal ang sandata
Sa oras ng pangamba
Kabiguan minsan di maiwasan
Ganyan ang ikot ng kapalaran
Durog man ang puso
Pangarap pilit pa rin binubuo
Ang bagong umaga
Ay muling pag uumpisa
Pagtatama ng mali
Pagsisikap umangat
Walang mahirap
Walang malayo
Walang mabigat
Sa taong nakikibaka.