Katok, katok
Kelangan na magpaantok
Kape di na iinom sa gabi
Pati yosi ay itatabi.
Higa, higa
Katawan ay inihanda
Musika pinatugtog
Para ako makatulog.
Pikit, pikit
Mga mata sinara nang pilit
Pahinga na ang isip
Masarap ang managinip.
Dasal, dasal
Salamat Diyos na mapagmahal
Ngayon at kailanman
Ako ay laging gabayan.