Friday na naman

Typical na gimik day

Pero pagsapit ng hatinggabi

Kelangan na rin naman umuwi

 

Pagdating sa bahay

Diretso na sa kwarto

Dahil sa maghapong trabaho

Masakit na mga katawan at buto

 

Pero bakit ganun?

Di pa rin dalawin ng antok

May kakaibang hinahanap

Meron din bang hinihintay?

 

Nagtimple pa ulit ng kape

Kahit galing na sa Starbucks

Nagsindi ng yosi

At nagbukas ng computer

 

Eto ang senting trip

Gusto lang mapag isa

Makinig ng mp3

At mag muni-muni

 

Napansin ang celfone

Na engganyo mag text sa kaibigan

Kamustahan at tsikahan

Palipas ng magdamag

 

Dahil sa sarap ng usapan

Hindi na namalayan

Halos umaga na pala

Napuyat na naman

 

Ilang senting trip pa ba ang pagdaraanan

Ilang gabi pa kaya magpupuyat

Gaano katagal ba maghilom ang sugat

Makababalik pa ba sa normal na buhay?

 

Pagod na mag isip

Matulog na muna

At mag pahinga

Bukas ay bagong pag asa.